Toni Gonzaga, bibida sa remake ng ‘My Sassy Girl’

Bibida si Toni Gonzaga sa Philippine remake ng Korean drama na pinamagatang, “My Sassy Girl.”

Inanunsyo ng TinCan Films sa social media ang balita, at umano ito ay selebrasyon ng kanilang ika-20 anibersaryo.

Ani rin nila, “On her birthday, we are proud to announce Toni Gonzaga is Philippines’ My Sassy Girl. #MySassyGirlPH.”

Si Gonzaga ay nagdiwang ng kanyang ika-37 na kaarawan noong ika-20 ng Enero.

Nagbahagi ang TinCan ng mga litrato ng stills ng proyekto, na pinapakita si Toni bilang bida. Isang litrato ang pinansin ng mga netizens, ang pamilyar na eksena galing sa orihinal na pelikula, kung saan iniligtas ng isang lalaki ang bida mula sa posibleng pagkakatama sa dumadaang tren.

Inaasahan ang hiwalay na anunsyo ukol sa magiging leading man ni Toni.

Ang kumpirmasyon ng parte ni Toni sa ‘My Sassy Girl’ ay dumating matapos ang isang buwang haka-haka ng kaniyang kinalaman sa proyekto.

Ang pinakahuling pelikulang inilabas ng TinCan ay may pamagat na “Love the Way U Lie,” na nagbibida sa kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *