Tumigil sa kanyang hanapbuhay ang mangangalakal na inaresto ng marahas
Dahil sa isang clearing operation sa Parañaque noong Biyernes, isang mangangalakal ng basura ang nagpasyang tumigil muna sa paghahanapbuhay buntod ng trauma na natamasa galing sa marahas na pag-aaresto sa kaniya.
Ang mangangalakal na si Warren Villanueva ay umamin na nagdala ng trauma sa kanya ang marahas na paghuling ginawa ng Parañaque Task Force sa clearing operations ng Barangay Baclaran.
Hanggang ngayon masakit pa rin ang kanyang katawan sa nangyari, at mayroon pang tinamong sugat sa labi.
Hindi umano makalimutan ni Villanueva ang pagpapadapa sa kanya, paghawak ng mahigpit sa kanyang leeg at mga paa, ang pagposas at pagsipa sa kanyang mukha nang dahil lamang sa pagtangging ibigay ang karitong ginagamit sa trabaho.
Idinagdag pa niya na siya’y inabisuhan ng mga pulis na huwag magpa-interview sa media.
Ikwinento ni Villanueva, “Noong may posas pa lang ako sinabihan ako, ‘Pasalamat ka may media’… Tapos sabi noong isa humingi ka na lang ng sorry… palalayain ka naman namin ibabalik namin ‘yong kariton mo.”
Sa mga nabanggit ni Villanueva, dumepensa ang mga kasapi ng Task Force at iginiit na walang pananakot na ginawa sa biktima.
Ani ng head nila na si Rolly Santiago, nagwala si Villanueva kaya kinailangang hawakan ang kamay at leeg.
Nasuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang 5 miyembro ng task force habang isinasagawa ang kanilang imbestigasyon.
Nagbigay ng abiso ang Department of the Interior and Local Government Undersecretary na si Martin Diño na dapat ang mga clearing operations ay nagsasama ng mga barangay officials upang makilala at maaksyunan agad ang mga umaapela sa operasyon, at nang maiwasan ang ganitong akto ng violence.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga kapamilya ni Villanueva kung sila ba ay magsasampa ng reklamo laban sa mga may kinalaman sa insidente.