UST, hindi tatanggapin pabalik ang estudyante nilang naging aktibista
Nag-palabas ng show-cause na liham ang University of Santo Tomas (UST) sa isa pa nilang senior high school student dulot ng pagsali nito sa mass organization na Anakbayan.
Sa ilalim ng Code of Conduct ng pamantasan, maaari lamang sumali ang mga estudyante nila sa mga organisasyong kinikilala ng unibersidad at nagpapakita ng mission at vision nito ng tama.
Hindi pinangalanan ang estudyante.
Dati nang nag-dismiss ang UST sa Senior High School student na si Datu Ampatuan Jr. para sa pagiging myembro nito sa Anakbayan. Hindi siya makakapag-enroll sa susunod na semestre at hindi rin mababahagian ng sertipikasyon ng kanyang good moral galing sa unibersidad.