Wag sakyan ang kasikatan ng BTS, ani ng House Leader kay Cayetano
Mayroong rekomendasyon ang Senior Deputy Speaker Salvador “Doy” Leachon sa na-oust na si Speaker Alan Peter Cayetano: Huwag sakyan ang kasikatang meron ang BTS, isang South Korean Boy Band.
Ang pahayag na ito ay sumunod sa pagkakagawa ng isang bagong bloc sa House of Representatives na tinawag na “BTS sa Kongreso.”
Ang bagong bloc na ito ay binubuo ni Cayetano at ng kanyang mga kakampi matapos silang matanggal sa leadership posts matapos kuhanin ni Speaker Lord Allan Velasco ang posts na nabanggit.
Ang pahayag ni Leachon ay ang sumusunod, “I wish them good luck, and a piece of advice – don’t ride on BTS popularity because it might connote a different meaning fitting of what they attempt to do – Bitter Talaga Sila.”
Ayon kay Leachon, ang bagong House bloc na ito ay hindi mahalaga at hindi makakaapekto sa legislative agenda ni Velasco.
Hinikayat din ni Leachon ang Kongreso na mag-“move on” na mula sa pagbabago ng posisyong nangyari. Ani pa niya, “No one is indispensable in our positions. Let’s embrace one common goal of achieving a united Congress because this is the high time we are very much needed by the Filipino people to at least make a difference in their lives in this pandemic challenging period in our nation’s history.”
Para naman sa mga fans ng totoong BTS, inaakusahan nila si Cayetano na ginamit ang pangalan ng banda para makakuha lamang ng atensyon.
Ngunit pinabulaanan ito ni Cayetano. Ipinaliwanag niya na ito’y nangangahulugang “Back to Service” Congress, lalo na ngayong ang House ay mas nakasentro sa mga isyung politikal.