WHO – 28M vaccine doses na ang naturok
Ayon sa World Health Organization (WHO), mayroon nang humigit 28M na vaccine doses ang naadminister sa laban kontra COVID-19 pandemic, at karamihan sa mga ito ay ginawa na sa mayayamang bansa.
Ayon sa WHO emergencies director na si Michael Ryan ay mayroon nang 46 na bansang nagsimula na ng kanilang programa ng pambabakuna, at 38 sa mga ito ay mga high-income na bansa.
Ani niya, “We’ve about 28M vaccine doses administered so far. Five different vaccines or platforms have been used.
Forty-six countries, approximately, are now vaccinating. But only one of those countries is a low-income country.”
Idinagdag pa niya, “There are populations our there who want and need vaccines who are not going to get them unless and until we begin to share better.”
Ang SARS-Cov-2 ay nakapatay na ng 1.96M katao mula nung outbreak nito sa China noong Disyembre 2019, habang mayroon nang 91.5M na kaso ang narehistro ayon sa isang tally.
Ang mga naibigay na numero ay batay sa daily tolls ng mga health authorities ng bawat bansa.