YouTube sinuspinde ang channel ni Trump matapos lumabag sa polisiya na nagbabawal ng karahasan

Nagpalabas ng pahayag ang YouTube na nagsasabing noong Martes ay kanilang isinuspinde ang channel ni Donald Trump matapos itong lumabag sa kanilang polisiyang nagbabawal humikayat ng karahasan matapos ang nangyaring assault sa US Capitol ng mga sumusuporta dito.

Ang ibang online platforms at social media companies ay naglalagay ng distansya o gumagawa ng karampatang aksyon laban sa mga nanghikayat o sumali sa karahasang naganap sa Washington, DC.

Ang channel ni Trump ay iniiwasang mag-upload ng bagong mga video o livestream ng hindi iikli sa 7 araw, at maaari pa itong mapahaba pa.

Maaalalang ang mga taga-suporta ni Trump ay pumasok sa US Capitol upang pigilan ang pag-sertipika ng Kongreso sa pagkapanalo ni Joe Biden.

Si Trump ay hayagang nagdududa sa pagkapanalo ni Biden kahit na walang ebidensyang nagpapatunay sa kanyang hinala. Noong bago pa ay pinuri niya ang kanyang mga taga-suporta sa kanilang ginawa ngunit kalaunan ay kinundena niya ito.

Ang mga miyembro ng Kongreso ay napilitang lumisan sa gusali matapos itong dagsain ng mga nagprotestang nalagpasan ang seguridad. Mayroong limang taong namatay sa kasagsagan ng kaganapang ito, kasali ang isang Capitol Police officer.

Matapos ang insidente, tinanggal ng Twitter at Facebook ang account ni Trump at nagbubura ng mga posts na sumusuporta sa naganap. Ang Amazon.com Inc naman ay nagsuspinde sa social media platform na Parler, na ang mga users ay kasagarang mga taga-suporta ni Trump.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *